Full Title
NAGPAPAHAYAG NA ANG PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS AY DAPAT AWITIN LAMANG SA TITIK NITONG PILIPINO.
Digital Resource
Executive Issuance Type
Date of Approval
December 19, 1963

Other Details

Issuance Category

Official Gazette

Official Gazette Source
Official Gazette volume 59 number 51 (December 23, 1963) page 8732

Full Text of Issuance

Executive Order No. 60, s. 1963

Signed on December 19, 1963

MALACAÑANG
MANILA

ATAS NG PANGULO NG PILIPINAS

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 60

NAGPAPAHAYAG NA ANG PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS AY DAPAT AWITIN LAMANG SA TITIK NITONG PILIPINO

SAPAGKA’T ang pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Wikang Pambansang Pilipino ay isa sa mga pangarap ng mga bayani ng lahi bukod pa sa ito’y itinatadhana sa Saligang-Batas ng ating Republika;

SAPAGKA’T ang ilang pangyayaring nagaganap dito sa ating kapuluan, lalung-lalo na sa ibang bansa bagay sa pag-awit sa wikang banyaga ng ating Pambansang Awit ay lubhang kapansin-pansin at hindi naaayon sa diwa ng ating pagkabansa; at

SAPAGKA’T ang Wikang Pilipino ay isa na sa ating mga wikang pampamahalaan.

DAHIL dito, akong si Diosdado Macapagal, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa akin ng batas at bilang pagbibigay-buhay sa layunin ng Saligang-Batas at ng Batas ng Komonwelt Blg. 570, ay nagpapahayag at nag-utos sa pamamagitan nito na ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay awitin sa mga titik lamang nito sa Wikang Pilipino sa alin mang pagkakataon, maging dito o sa ibang bansa man.

Inilagda sa Lunsod ng Maynila, ngayong ika-labinsiyam ng Disyembre, sa taon ng Ating Panginoon, labinsiyam na raan at animnapu’t tatlo.

(Ladga) DIOSDADO MACAPAGAL
Pangulo ng Pilipinas

By the President:

(Lagda) RUFINO G. HECHANOVA
Kalihim Tagapagpaganap

SourcePresidential Museum and Library

Macapagal, D. (1963). Executive Order No. 60 : Nagpapahayag na ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay dapat awitin lamang sa titik nitong Pilipino. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 59 (51), 8732.